top of page

Alamin mula kay Señor... ORASYON NA PANDEPENSA SA BANTA NG BUHAY SA TUWING LALANGOY SA ILOG, DAGAT A

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 3, 2019
  • 2 min read

Bigyang-daan natin ang pagpapatuloy sa pi­nasikat na orasyong Pili­pino na Sator Arepo Tenet Opera Rotas.

Balikan natin ang pina­ni­niwalaang kahulugan ng Sator Arepo Tenet Opera Rotas na nagsasabing “kung sino ang nagtanim, siya lang ang may karapatang uma­ni.” Ang mga salitang ito ay para sa agrikultura o sa mis­mong pagtatanim ng mga halaman o punongkahoy. Sa malalim na kahulugan, ito ay nagpapaliwanag na “kung sino ang lumikha, siya lang ang may karapatang sumira sa kanyang nilikha.”

Sa medyo mababaw at mabilisang kahulugan, “ang akin ay akin at walang pu­we­­deng makialam”.

Ang mga kahulugan sa itaas ay banal na direktiba mula mismo kay God na ang bisa ay tulad mismo sa batas ni God.

Ito ang lihim na dahilan kung bakit may mga nagsa­sabi na ang kanilang Sator sa kanyang katawan ay da­hi­lan kung bakit hindi sila ti­na­tablan ng anumang patalim dahil sa banal na direktibang si God lang ang may paki­alam sa kanilang buhay dahil Siya ang manlilikha.

Ito rin ang lihim na dahi­lan kung bakit may mga ta­ong hindi tinatablan ng bala ng baril dahil si God lang ang puwedeng umani sa tao dahil Siya ang nagtanim. Ang salitang “umani” na harvest sa wikang English ay kasingkahulugan ng “pag­patay.”

Ito rin ang lihim na da­hilan kung bakit ang mga bakuran, bahay o gusali na may orasyong Sator ay hindi puwedeng pakialaman ng mga masasamang espiritu o ng mga demonyo, mangku­kulam, manggagaway, mam­­babarang at iba pa na ang hangarin ay bigyan ng ma­sa­mang kapalaran ang mga nakatira sa nasabing mga lugar.

Puwede ring gamitin ang orasyong Sator bilang proteksiyon para sa mga ak­sidente, lalo na ngayong pa­nahon ng pamamasyal sa iba’t ibang lugar at ang ga­gamit ay iingatan ni God.

Magagamit din ang Sa­tor sa pag-akyat sa mga bundok lalo na nga­yong sum­mer ay usung-uso ito da­hil sa mga bundok at gu­bat ay may mga nilalang na likas na naninirahan doon na ma­aaring gawan ng ma­sama ang mga darayo sa kanilang lugar.

Sa paliligo sa dagat, ilog, sapa at talon ay mabisa rin ang Sator na pandepensa sa anumang banta sa buhay o kalusugan.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page