top of page
Pokwang.jpg

Aktres, aminadong kabado nu'ng una… EMPRESS, HAPI NA BAGONG BABAE NI CESAR

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 3, 2019
3 min read

PINILAHAN nang husto ang bagong bukas at kauna-unahang franchise branch ng refreshment business ni Empress Schuck na King’s Cup sa isa sa pinakamataong malls sa Cubao, Quezon City last Sunday.

“This is one of the few businesses lang na gusto kong gawin. May iba pa akong gustong gawin. Pero eto kasi, at least, ‘and’yan si Andrei (Lim, her business partner and King’s Cup co-owner) para maging… although, hands-on din naman ako. Pero siyempre, on this part, siya ‘yung mas nakakaalam talaga. Kumbaga, concept naman niya ‘to,” bungad ni Em­press sa grand opening ng business niya sa food­court ng Farmer’s Plaza.

Super good friend ng boyfriend at ama ng anak ni Empress na si Vino ang business partner niya na si Andrei. Magkaklase sina Vino at Andrei sa De La Salle University nu’ng college.

“Sabi ni Vino, may ipi-pitch si Andrei. Sabi ko, ‘Sige, tingnan natin.’ Eh, sakto naman, sobrang init sa Pilipinas. Tapos sakto, summer ilo-launch na siya. So, saktung-sakto ‘to na frappe, milk tea, all-in-one na siya. Kasi ‘yung iba, milk tea lang, ‘yung iba, shake lang. So, kami, may shake, may frappe, may milk tea. May parang ‘yung sikat ngayon na graham mango. So, all-in-one na siya. So, sabi ko, ‘Sige, why not?’”

Biniro namin si Empress na kakalabanin niya ang milk tea business ng magkapatid na Toni and Alex Gonzaga.

“Uy, ano naman, friendly competition naman. Oo, saka marami rin kaming ino-offer na wala sa kanila. Meron din naman sila na wala kami. Pero, I’m sure naman, suportahan lang kami, hindi naman kami maglalaban-laban. Magsusuportahan tayo.

“Saka, wala na tayong masasabi ru’n, nauna na sila. Gonzaga sila, so, supor­ta­han lang.”

Bukod sa teleserye niya sa GMA-7, may dalawang pelikula ring ginagawa si Empress ngayon.

“Kaka-start ko lang ng movie with Direk Joel Lamangan last Saturday, In The Name of a Mother. Si Snooky Serna ang mother. And then, I’m also doing a movie with Cesar Montano.”

Asawa ni Empress si Pancho Magno na anak ni Snooky sa movie ni Direk Joel.

“‘Yung kay Cesar naman, it’s about the story of Joel Apolinario, ‘yung dating mahirap na Pilipino. Pero ngayon, successful na siya dahil sa cinreate niya na community na nagpapahiram ng pera, tapos may interest. Taga-Surigao siya. So, gagawin po ni Cesar Montano ‘yun. And yes, ako po ang leading lady ni Cesar sa movie.”

Inamin ni Empress na kinabahan siya working with Cesar.

“Nakakakaba kasi bakit ako? Eh, magkasama lang kami sa Bida si Mister, Bida si Misis. Tatay ko si Bentong doon. Kaibigan ni Cesar si Bentong sa show. Pero siyempre, kahit papa’no, ten years old lang ako noon. Pero na-achieve naman. Okey naman.”

Hindi pa sure ni Empress kung may kissing scene sila ni Cesar sa movie.

“Nakaka-isang shooting pa lang kami, eh. Pa­rang after election po yata ang showing, or baka this year. Babalik kami ng shooting baka after election na po. Kasi, he’s directing it too. Kasi tumu­tulong siya sa campaign.”

Biniro namin si Empress na baka ligawan siya, tapos ay ma-in love siya kay Cesar while doing the movie.

“Ah, hindi naman. Alam naman niya (Cesar) ang sitwasyon ko. Hahaha!”

Confident din si Empress na ‘di magseselos si Vino kay Cesar.

“Tanggap niya na artista ako. And siya pa ang nagsasabi sa akin na nakilala niya ako na artista. Kaya hindi niya ako pipigilan kung gusto ko ituluy-tuloy ang pag-aartista ko. Very understanding si Vino and comes from a good family. Super kind ng family niya. God-fearing ‘yung mga sisters niya. Tatlo ‘yung sisters niya. He’s the only son kaya naiintin­dihan ko na siya rin talaga ‘yung nag-aasikaso ng business ng family nila.”

With regards sa kasal, napag-uusapan naman daw nila ni Vino ang tungkol dito. Pero sadyang ‘di pa type ni Empress ang magpakasal.

“Ayoko pa muna. Parang one step at a time muna. Parang ang bilis at ang dami-dami nang mga nang­yayari sa buhay ko, kaya dahan-dahan lang muna.”

Tumpak!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page