Mag-utol na Indian, dedo sa trak
ZAMBOANGA CITY—Namatay ang magkapatid na Indian nationals nang aksidenteng mabangga ng trak ang sinasakyan nilang motorsiklo, kamakalawa sa Bgy. Buenavista sa lungsod na ito.
Kinilala ang mga biktima na sina Singh at Minindar Amardeep, kapwa pansamantalang naninirahan sa Bgy. Tumbaga sa naturang lungsod.
Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng trak na minamaneho ni Raymond Papas kaya nabangga nito ang motorsiklong kinalululanan ng dalawang biktima.
Nakapiit na si Amardeep na nahaharap ngayon sa kasong reckless imprudence resulting in double homicide.





Comments