top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Ligtas at komportableng pagboto para sa mga senior citizen at PWD

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 2, 2019
  • 1 min read

GRABE ang init ng panahon ngayon na mas pinatitindi pa ng kampanya para sa halalan.

Usapang panahon at eleksiyon, ngayon palang ay may pakiusap na sa mga mamamahala sa mismong botohan kaugnay sa magiging sitwasyon sa mga polling precinct, partikular na sa senior citizens at person with disabilities o PWDs.

Bukod sa kailangang paunahin sila sa pila, kailangan ding ma­ging maginhawa ang kanilang pagboto.

Patuloy ang panawagan na magkaroon sila ng sariling polling precincts upang hindi na mahirapang makisabay sa iba pang mga botante.

Bagama’t, may umiiral na batas para sa mga senior citizen at PWD, may mga reklamo pa rin mula sa publiko kaugnay sa hirap na dinaranas ng mga ito tuwing eleksiyon.

May mga napipilitang umakyat sa matataas na hagdan, makipagsiksikan kahit may hiwalay na pila dahil pareho lang ang pupuntahang polling precinct at ang malala, may mga nakaka­salisi ring manloloko na nagagawa silang maisahan sa balota, lalo na kung walang kasama sa pagboto.

Ilan lamang ito sa mga hinaing ng mga botanteng senior citizen at PWD na hanggang ngayon ay problema pa rin sa maraming lugar.

Umaasa tayo na ngayong halalan, maiibsan na ang hirap nila sa pagboto.

Tulad ng iba, karapatan din nilang makilahok sa pagpili ng mga susunod na lider ng bansa kaya bigyan natin ng halaga ang kani­lang pagboto.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page