Habang nasa training HELICOPTER BUMAGSAK, 2 PATAY
- Jersey Sanchez
- Apr 2, 2019
- 1 min read
INIIMBESTIGAHAN na ng U.S. Marine Corps ang pagkasawi ng dalawang piloto sa helicopter crash sa kasagsagan ng kanilang training mission sa Arizona.
Ayon sa pahayag ng Marine Corps Air Station, bumagsak ang AH-1Z Viper sakay ang dalawang hindi pinangalanang biktima.
Naganap ang chopper crash sa training grounds ng Marine Corps Air Station Yuma.
Samantala, pinakamalaking military installation sa mundo ang naturang training ground.





Comments