top of page
Pokwang.jpg

Binabalik-balikan daw siya sa 'Pinas… GLAIZA, GAME NANG MAGPAKASAL SA IRISH BF

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 2, 2019
2 min read

Para kay Glaiza de Castro, answered prayer ang Irish surfing instructor boyfriend niyang si David Rainey dahil talaga raw ipinagdarasal niyang makatagpo ng someone na mabait at sobrang bait naman daw talaga nito na parang too good to be true na.

Nakausap namin si Glaiza kahapon sa contract signing niya sa Simply G Hair and Skin Care bilang pinakabagong ambassadress ng brand at aminado talaga siyang happy ang kanyang puso ngayon.

Nakilala niya si David sa Siargao more than a year ago at nakakatuwa ang way ng pagkakakilala nila na music ang dahilan. Nakarinig daw kasi siya ng tumutugtog na song na super favorite niya habang nagbabakasyon sila. ‘Yun pala ay si David ang nag­papatugtog at doon na nagsimula ang kanilang love story.

Nagkaroon daw agad sila ng music connection ni David. Bilang music lover herself, talaga raw madali siyang maka-connect sa mga taong mahilig sa music.

Noong September daw of last year naging sila ni David at LDR (long distance relationship) ang drama nila bilang taga-Ireland ito. Ayon kay Glaiza, mahirap daw pala ang LDR.

“May mga times na sabi ko, ayoko na, kasi siyempre ang hirap nu’ng… ‘yung time pa namin, ngayon, 7 hours ang difference, pero ‘yung mga previous months, nagpapalit kasi, ‘di ba, 8 hours.

“So, pagkagising ko, patulog pa lang siya. Tapos, ‘pag patulog naman siya, kakagising ko lang naman. So, ‘yung scheduling ng oras, siyem­pre, ‘yung communication, parang nawawala kasi nga ‘yung timing namin, ang hirap tay­mingan,” kuwento ni Glaiza.

Pero nakikita rin naman daw niya ang effort ng boyfriend para makausap lang siya.

“Minsan, gigising siya nang madaling-araw kahit may trabaho siya, tapos tatawagan niya ako. Minsan, nagpapadala ng mga letters pa, as in handwritten. Tapos, may mga parang ano pa, kung anu-ano pang cute stuff na favorite ko, ‘yung mga pa-stickers, alam mo ‘yung parang high school lang?

“Kaya sabi ko, hindi rin talaga nasusukat kung gaano kalayo, gaano kalapit, eh. ‘Di ba kasi, may mga lalaki nga, ang lapit-lapit mo na, ‘di ka pa magawang… ‘di ba? Hindi pa maga­wang daanan ka,” she said.

Nakilala na raw ni David ang parents niya at siya man, na-meet na niya ang parents nito nang magpunta siya sa United Kingdom. Sobrang warm and accommodating daw ng family nito.

Siyempre, bilang pareho silang nasa edad na (he’s 30 and she’s 31), napag-uusapan na rin daw nila ang marriage at ready na rin naman daw siya.

“Ready naman ako sa kung anumang mangyari. Pero sa ngayon, ayoko munang isipin. Ini-enjoy ko lang ‘yung time na magkasama kami, ‘pag nandito siya, kasi ilang beses na rin siyang nagpabalik-balik dito. Sabi nga ng friends ko, ‘Mars, ikaw na, gandang binabalikan,’” natatawang sabi pa ni Glaiza.

Samantala, happy din ang aktres na siya ang latest addition to the growing numbers of endorsers of Symply G.

“It gives me a great feeling to be trusted by Symply G to be part of their company. I would like to thank Sir Glenn (Sy, Symply G president) and Sir Marlon (Fajardo, Marketing manager) for believing in me,” pahayag ng Kapuso actress.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page