BFF na aktres, after makipagbati kay Gretchen… KRIS, IPINAGDIINANG 'DI SIYA PLASTIC KAYA IN-UNFO

Nitz Miralles / BIDA

Sinagot ni Kris Aquino ang isyu ng pag-unfollow niya kay Claudine Barretto sa Instagram (IG). Sinabihan kasi siya ng isa niyang follower sa IG na bitter siya kaya in-unfollow si Claudine.
Nagsimula ang isyung ito nang mapansing in-unfollow niya si Claudine mula nang mapabalitang bati na ito at ang ateng si Gretchen Barretto na panay ang patutsada kay Kris.
“Sir, if I continued to follow ang sasabihin niyo naman plastic ako. Habang DEMOCRACY pa ang Pilipinas pabayaan n’yo na po ako. We can remain friends in real life.. following a person on social media isn’t proof affection. Keeping a respectful silence is actually a more sincere gesture.”
Sinagot din ni Kris ang tanong kung okay sila ni Claudine?
“We have never been not okay. I believe she answered that very clearly and I am happy for her that this bridge has been rebuilt because the TRUTH will always be “how could we not talk about family when family’s all that we got?” Sincerely I am happy for Clau-Clau,” sagot ni Kris.
Sumang-ayon kay Kris ang kanyang mga followers na hindi kailangang i-follow niya sa social media si Claudine para sabihing magkaibigan sila. Ang mahalaga, nagkakaintindihan sila at masaya pa nga si Kris na okay na sina Claudine at Gretchen Barretto.
Kasalukuyan pang nasa Japan sina Kris, Josh, Bimby at mga kasama, but at least, pagbalik niya, tapos na ang isyu sa kanila ni Claudine.





Comments