Sa mga natotorete riyan dahil sa dami ng kumpanyang ina-apply-an... TIPS PARA SA PAGPILI NG KUMPANYA
- Jersey Sanchez
- Apr 1, 2019
- 2 min read

UNA sa lahat, maligayang pagtatapos sa mga mag-aaral na nalampasan ang malaking kabanata ng kanilang buhay. Sa pagtatapos ng kabanatang ito, siguradong may bagong panimula — ang adulting chapter.
For sure, marami na riyan ang nakatatanggap na ng mga job offer mula sa iba’t ibang kumpanya kung saan nahihirapan silang pumili ng tatanggapin dahil hindi pa nila alam kung ano ang dapat nilang maging basehan sa pamimili. Don’t worry dahil we got you, lodi!
Narito ang mga bagay na dapat ikonsidera sa pagpili ng kumpanyang pagtatrabahuhan:
1. MODE OF TRANSPORTATION. Dahil sobrang hirap nang mag-commute ngayon, mabuting pag-isipan kung kakayanin mo ang araw-araw na pagsabak dito. Kung sa biyahe pa lang papunta sa opisina, eh, ubos na ang iyong energy, paano ka makapagtatrabaho nang maayos niyan? Hmmm…
2. SALARY-WORTHINESS. May mga kumpanya na nagpapasuweldo nang angkop sa workload ng empleyado, ngunit, mayroon ding kumpanya na nagbibigay ng halos dobleng workload, pero hindi napasusuweldo nang tama ang empleyado.
Kung nakasaad sa kontrata na posibleng madagdagan ang iyong workload, siguraduhin mong hindi ka lugi at mababayaran ka nang tama. Okie?
3. COMPANY CULTURE. Bagama’t, kaya nating magtrabaho sa kumpanya na hindi ‘fit’ ang culture sa personalidad o nakasanayan natin, hindi umano ito dahilan para pumasok sa kumpanya na hindi ka isandaang porsiyentong komportable.
Bukod pa rito, mas madalas kang nasa trabaho at kung hindi mo makasusundo ang mga taong nakapaligid sa iyo, hindi ito nakatutulong sa pagkakaroon mo ng peace of mind.
4. VACATION POLICY. Hindi porke magtatrabaho ka na, eh, du’n mo igugugol ang lahat ng oras mo. Kaya kung mahilig ka ring mag-travel, besh, isa ito sa mga bagay na dapat mong ikonsidera dahil ‘ika nga nila, kailangan mo ring mag-enjoy paminsan-minsan nang sa gayun ay ma-refresh ang iyong isipan.
5. CAREER ADVANCEMENT OPPORTUNITIES. Bago tanggapin ang job offer, mabuting alamin ang background ng kumpanya at dahil hindi mo alam ang mga puwedeng mangyari sa iyong career, mabuting piliin ang kumpanya na mayroong magandang reputasyon o background.
Kapag dumating ang pagkakataon na mag-a-apply ka sa ibang kumpanya, siguradong plus points ito kaagad.
Remember, huwag magpadalus-dalos sa pagdedesisyon, partikular sa pagpili ng trabaho nang sa gayun ay hindi ka magsisi paglipas ng panahon. Sana ay makatulong ang mga bagay na ito sa simula ng bagong kabanata ng buhay na inyong tatahakin.
Gets mo?





Comments