Nagpaputok ng boga timbog
QUEZON—Isang retiradong sundalo ang dinakip ng pulisya dahil sa pagpapaputok ng baril, kamakalawa sa Bgy. Bebito, Lopez sa lalawigang ito.
Ang suspek ay kinilalang si retired Army Constantino Teves, nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, dala ng labis na kalasingan ay nagpaputok ng baril si Teves at sa takot ng kanyang mga kapitbahay ay inireklamo nila ito sa pulisya kaya dinakip ng mga rumespondeng awtoridad ang suspek.
Nakapiit na ang suspek na sinampahan ng kasong alarm and scandal, illegal possession of firearm and ammunitions at paglabag sa election gun ban.





Comments