Most wanted nasakote
Pabs Hernandez III
Apr 1, 2019
1 min read
ILOCOS NORTE—Isang most wanted criminal ang naaresto ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Francisco, Dingras sa lalawigang ito.
Kinilala ang suspek na si Nathaniel Patricio, residente ng nabanggit na barangay.
Nabatid na dinakip ng pulisya ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinahaharap nitong kasong estafa.
Hindi naman nanlaban ang suspek nang dakpin ito ng mga awtoridad sa nasabing lugar.





Comments