top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Mga amigo at amiga, kaya lutang siya… KONTROBERSIYAL NA AKTOR, NEGA NA DAHIL SA KINASANGKUTANG GULO

  • Nitz Miralles
  • Apr 1, 2019
  • 1 min read

Blind Item:

SOBRA ang lungkot ng contro­versial actor na ito dahil sa da­la­wang magkasunod na hindi ka­gan­dahang pangya­yari sa buhay niya na nangyari sa loob ng isang araw lang.

May isang naganap sa aktor na posibleng ma­­apek­tuhan ang career niya. Kung magdesisyon ang network na kinabibilangan niya na tapusin ang kan­yang kontrata kahit matagal pa ang expiration nito dahil may ginawa siyang nadamay ang network, wala siyang magagawa.

Pero mukhang makakapagpatuloy sa kan­yang showbiz career ang aktor dahil bibigyan siya ng se­cond chance.

Ang isa pang hindi magandang nangyari sa aktor, may kinalaman naman sa puso. Warak ang puso niya ngayon dahil nakipag-break ang non-showbiz GF niya na mahal na mahal niya dahil sa kinasangkutan niyang gulo.

Nagalit daw ang parents ng GF ng aktor nang mabalitang na-involved siya sa gulo at inutusan ang anak na hiwalayan siya, na ginawa naman nito. Nag-breakdown ang aktor at iniyakan ang pagtatapos ng relasyon nila ng GF.

Kaya, naiintindihan ng mga friends ng aktor kung bakit lutang siya ngayon dahil nga sa dalawang malalaking problema na dumating sa buhay niya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page