top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

GUMIGIRI PA SA KAMPANYA SI THE LION SA WORLD POOL

  • Eddie M. Paez Jr.
  • Apr 1, 2019
  • 2 min read

NAKATAKAS mula sa isang gitgitang sagupaan ang tubong Isabela na si Alex “The Lion” Pagulayan kontra sa isang Taiwanese upang mapanatiling kumikikig ang kanyang kampanya para sa kampeonato ng prestihiyosong 2019 World Pool Masters sa Victoria Stadium ng Gibraltar.

Umungos si Pagulayan kay World Pool Billiards Association (WPA) no. 6 Ko Pin-yi sa iskor na 7-6 para makapasok ang 2004 World 9-Ball king na Fil-Canadian sa quarterfinals ng malupit na paligsahang humugot lang ng 24 na matitinding manunumbok mula sa iba’t-ibang parte ng daigdig. Nauna rito, isa pang Asyano ang itinumba ni Pagulayan sa katauhan ng Intsik na si Wu Jia-qing, 7-4.

Walo na lang ang natitirang manunumbok na nakatayo at may tsansa pang makaakyat sa trono ng paligsahang pinapairal ang mga tuntuning “winner breaks”, “30-second shot” at “race-to-7” at magkakaloob Ng $25,000 na papremyo sa magkakampeon mula sa cash pot na $100,000.

Sa sobrang dikit ng mga laban, tatlong iba pang duwelo ay nauwi sa 7-6 na iskor: ang panalo ni Shane Van Boening (USA) laban kay top lady cue artist Han Yu (China); ang paggapi ni Kiwi Matt Edwards sa Polish pride Konrad Juszczyszyn at ang pag-angat ni Austrian Albin Ouschan laban sa pinakamalupit na WPA cue artist na si Joshua Filler (Germany). Si Ouschan din ang nagpauwi sa Pinoy na si Jeffrey “The Bull” De Luna noong nakaraang round.

Bukod kina Pagulayan, Boening, Edwards at Ouschan, swak na rin sa final 8 sina Skyler Woodward (USA) na nanghiya kay Fedor Gorst (Russia) sa iskor na 7-4; Greek Alexander Kazakis na tumalo kay Justin Sajich, 7-3; ang Kastilang si David Alcaide na sumilar sa 2018 titlist Niels Feijen ng Netherland, 7-3; at si Albanian Express Eklent Kasi, na lumampaso kay Scottish Jayson Shaw, 7-2.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page