For sure, relate ang karamihan sa inyo rito... 5 REASONS KAYA ISTRIKTO SINA NANAY AT TATAY, ALAMIN!
No Problem

ISA ka ba sa mga anak na may strict parents? Ha-ha-ha! Relate much! Sa totoo lang, halos lahat sa atin ay naiinis sa tuwing pinaghihigpitan tayo ng ating mga magulang na gumala at makitulog sa ibang bahay, ‘yung tipong kahit nasa edad 25 ka na pataas, eh, may curfew ka pa rin. Asar! Pero, nakaiinis man ito, narito ang 5 dahilan kung bakit sila nagiging istrikto:
1. THEY ARE CONCERNED ABOUT YOUR LIFE. Dahil sila ang ating mga magulang, madalas naiintindihan nila tayo, pero hindi ibig sabihin nu’n, eh, kukunsintihin nila kahit ang mga bagay na hindi maganda dahil lang sa naiintindihan nila ito. Sabi nga ng iba, “papunta ka pa lang, pabalik na ako”, ito ang madalas na nasa isip nila, kaya hangga’t maaari ay gusto nilang maging istrikto para hindi mapariwara ang kanilang mga anak.
2. THEY ARE AFRAID TO LOSE YOU. Dahil ibang-iba na ang panahon ngayon, hindi natin masasabi kung magiging biktima tayo ng karahasan, kaya sila naghihigpit dahil ayaw nila tayong mapahamak. Gets mo?
3. THEY REALLY LOVED YOU. Totoo ‘yung sinasabi ng iba na kapag pinagagalitan ka, eh, mahal ka. Karamihan sa mga magulang, nagagalit dahil ayaw nilang nasasaktan ang kanilang mga anak, kaya dapat bilang anak, eh, iniintindi natin sila.
4. THEY WANT TO BE RESPECTED. Wala silang gusto makuha mula sa atin kundi ang respetuhin natin sila, sa totoo lang, hindi naman ito mahirap ibigay, lalo na at sila ang humubog sa ating pagkatao. Kaya tigilan na natin ang pagdadabog, panggagagad at pagsagot, mga besh!
5. THEY DON’T EASILY TRUST. May tiwala sa atin ang ating mga magulang, pero sa mga nakasasalamuha natin, hindi sila gaanong nagtitiwala kaya kahit na ilang beses ka pang magmakaawa, for sure, hindi ka nila papayagan. ‘Yun lang!
Kaya mga beshy, ngayong alam na natin kung bakit sila mahigpit, make sure na detalyado ang mga impormasyon na ipaaalam natin sa kanila para hindi sila mawalan ng tiwala sa atin. Okie?
Be responsible daughter/son, mga lodi! Okidoki?





Comments