top of page

Alamin mula kay Señor... katotohanan tungkol sa pagpapalagay ng salitang sator mula sa orasyon

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Apr 1, 2019
  • 1 min read

Bigyang-daan natin ngayon ang pagpa­pa­tuloy sa pagtalakay sa pinakasikat na orasyon na Sator Arepo Tenet Opera Rotas.

Tulad ng nasabi na, ito ang pinakasikat sa lahat ng mga orasyon. Pinanini­wa­laan na ang orasyong ito ay nagbibigay ng proteksiyon at kaligtasan sa sinumang gagamit.

Sa ating kasaysayan dito sa bansa, ang Sator Arepo Tenet Opera Rotas ay gina­mit ng mga beterano o sun­dalong Pilipino laban sa mga mananakop — Kastila, Ame­rikano at Hapon.

Kahit ang mga itinuring na mga rebelde ay guma­gamit ng mga ito, lalo na ang mga tinawag na mga hukba­lahap o mga makabayan sa Gitnang Luzon.

Gayunman, ang bawat salita sa Sator Arepo Tenet Opera Rotas ay nasa bawat medalyon at mga bagay na tulad ng tela o anumang per­sonal na gamit ng nananam­palataya sa Sator.

Obligado ring banggitin ang mismong orasyon para sa pagpapalabas ng sagad na kapangyarihan.

Ang nakagugulat ay ka­hit ang mga sinasabing kri­minal na nasa kulungan at maging ang mga nasa labas ay nananampalataya rin sa Sator kung saan marami sa kanila ang nagpa-tattoo sa kanilang katawan.

Samantala, ang mga ka­laban ng mga kriminal at ang mga huma-hunting sa kanila na mga sinasabing ala­mat na ang pangalan na ka­laban ng mga kriminal ay na­nanampalataya rin sa Sator.

Hindi lang sa tao gina­gamit ang Sator, kumbaga, puwede rin ito sa bahay at hindi lang ‘yan dahil ang mga kulto ay nananam­pa­lataya rin sa Sator Arepo Tenet Opera Rotas.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page