top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Sylvia, mother-in-law daw ni JM… JM AT RIA, IBINUKING NI ARCI

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 31, 2019
3 min read

SA mediacon kahapon ng pelikulang Last Fool Show ay nagkaroon bigla ng hinala na may “some­thing” kina Ria Atayde at JM de Guzman.

Out of the blue kasi ay biglang binanggit ni Arci Muñoz ang name ni Ria gayung hindi naman ito kasama sa movie.

Sina JM at Arci ang mga bida ng pelikula kaya puro sa kanila ang questions until sa kalagitnaan ay biglang lumitaw ang pangalan ni Ria.

Nabanggit kasi ni JM na kailangan niya ng kaibigang tulad ni Arci and out of the blue, sabi ng aktres, “Kagaya ko, saka ni Ria,” na parang kinakan­­­­ti­yawan si JM.

Nagtaka ang press kung bakit biglang nasali si Ria at si JM naman ay parang sinita si Arci.

“Ako, ako nga kasi si Ria, ako nagsasabi,” pagbawi ni Arci.

Sabi naman ni JM, “Next question.”

Sambit ulit ni Arci, “I love her (Ria), isa sa pinaka-thoughtful, pinaka-understanding, pinakamagaling na mag-advise na tao po ‘yun.”

Sinang-ayunan naman ito ni JM.

“Sobra,” sey ng aktor.

Dagdag ni Arci, “Napakatalino nu’n.”

When asked kung sina JM at Ria na ba, sagot ni Arci, “Hindi po, hindi po. Kami po (ni Ria), kami,” sabay tawa.

Maging si JM ay tinanong si Arci, “Bakit tayo napunta du’n, Arci Muñoz?” at idinug­tong na “Tita Ibyang (Sylvia Sanchez, nanay ni Ria), patay na naman ako nito sa ‘yo.”

Natanong din ng press kung may special participation ba si Ria sa movie at ayon naman kay Arci ay wala.

“Si Gina Alajar po ang special participation,” sabi ni Arci.

Kinulit ulit ng press si JM kung bakit nga biglang nasali si Ria at sagot ng aktor, hindi rin daw niya maintindihan kay Arci.

“Gutom na ‘to, eh,” sabi ni JM.

Bakit nga nabanggit ni Arci si Ria? Baka may something talaga?

“Hindi totoo ‘yung mga tsis­mis,” sabi na naman ni Arci. “Hindi totoo ‘yun. Close friends tayong lahat, hindi totoo ‘yung mga tsismis.”

Eh, sa totoo lang, wala na­mang tsismis kina Ria at JM, huh!

Sa bandang huli ay binanggit din ni Arci na may ginagawa silang bagong drama series ni JM sa ABS-CBN kung saan ay kasama rin nila si Ibyang.

Ang tawag ni Arci kay Ibyang ay mother-in-law ni JM kaya tawanan na naman.

Ang drama ni Arci, kunwari ay nadudulas siya at nagmamaang-maangan sa tuwing tinutukso si JM.

Kaya naman after ng Q&A ay seryosong tinanong si JM ng press tungkol kay Ria sa group interview.

Nililigawan ba niya si Ria?

“Courting her? Uso pa ba ‘yun?” sey niyang natatawa.

“Hindi, kasi nakilala ko si Ria sa isang small circle rin namin sa showbiz. Sobra akong ano, eh… Hindi ko alam, parang ang bait-bait niya. Ugali niya, napaka-genuine, napaka-sincere na tao.

“Parang naa-attached lang ako sa mga taong ganu’n, mga positive na tao that will pull you up and she’s that type of person. Hindi siya showbiz.

“Sa ngayon, we’re really good friends. Hindi pa ganu’n katagal ‘yung friendship namin pero ‘yung investment namin du’n sa friendship namin, we’re really investing du’n sa friendship.

“Kasi, I would like to keep her. Kung anuman ang mangyari or whatever, I would like to keep her forever,” pahayag ni JM.

Wala siyang balak na ligawan si Ria?

“Hindi ko pa alam. Ang focus ko, career, siyempre. Ayokong kapalan masyado ‘yung mukha ko na pagsabay-sabayin na naman lahat. Parang ito muna. May ibinigay sa akin si Lord na opportunity or challenge,” he said.

Samantala, ngayon lang nagkasama sina JM at Arci sa isang proyekto pero since college days pala nila sa University of the Philippines ay close friends na sila.

Si Arci ay 15 that time at si JM naman ay 16, mga year 2005 daw ‘yun. Kaya naman happy sila pareho na finally ay nagkatrabaho rin sila.

Ang Last Fool Show ay mula sa direksiyon ni Eduardo Roy, Jr..

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page