Show, 'di na priority sa dami ng raket… HASHTAGS, TINALAKAN NI VICE, ONCE A WEEK NA LANG SA IT&#


STAR-STUDDED ang premiere night ng pelikulang Eerie nina Bea Alonzo at Charo Santos-Concio. Todo-support ang mga Kapamilya young stars sa pangunguna ng isa sa top love teams ng ABS-CBN na sina Enrique Gil at Liza Soberano.
Nandu’n din si Joshua Garcia minus his love team na si Julia Barretto. Incidentally, nagsu-shoot ng movie si Julia abroad with her new leading man at ‘great love story’ ni Bea na si Gerald Anderson.
Wala ring kasamang “date” sina McCoy de Leon at Kisses Delavin. Spotted also were Darren Espanto, ang newest Kapamilya leading man na si Vance Larena, Direk Paul Soriano at marami pang iba.
From his two award-winning films na Birdshot and Neo-Manila, naging instant fan kami ni Direk Mikhail Red. Bluntly, sinabi namin kina Ma’m Charo and Bea sa Gringo Resto na si Direk Mik talaga ang rason kaya nanood kami nu’ng premiere night ng Eerie.
In fairness, ‘di naman kami binigo ni Direk Mik after watching Eerie. Flawless ang execution ng mga eksena at nag-two thumbs-up kami sa technical skills ni Direk Mik lalo na ang cinematography and scoring na talagang nagpa-eerie sa feeling namin habang pinapanood ang movie niya.
Isa sa mga paborito naming part sa movie ay ‘yung ‘posporo scene.’ Grabe ang sigawan ng mga nanonood and as far as we remember, first time kaming nakapanood ng ganu’ng eksena in a horror film.
Napakahusay ding nailahad ang kuwento ng batang nagpakamatay na si Erika or si Eri (Gillian Vicencio), ni Teacher Pat (Bea), ni Clara (Mary Joy Apostol) at ng principal na si Sol Alice (Charo).
Hindi nasayang ang gabi namin sa panonood ng Eerie sa big screen. And hopefully, suportahan ng mga local viewers ang Eerie dahil bihira na talaga ang ganito “katinong” local horror film.
Anyway, sa cast party ng Eerie na ginanap sa Gringo Restaurant sa Greenhills ay natanong namin si McCoy kung ano ang reaction niya sa napabalitang once a week na appearance na lang ng mga kagrupo niya sa Hashtags sa It’s Showtime.
Sumabat ang babaeng kasama ni McCoy na ewan kung PA, RM o handler niya. Management daw ang dapat sumagot ng tanong namin na sinang-ayunan naman ni McCoy.
“Opo, ang management po ang nakakaalam, eh. Pero ‘yung sa amin naman, makikita naman po ‘yung mga nayari. Kumbaga, pinapaganda ang Showtime. Bagong Showtime naman po siguro,” sagot ni McCoy.
Pero bago pa sabihin sa amin ‘yun nu’ng girlash na kasama ni McCoy, natanong na namin ang EP (executive producer) ng It’s Showtime na si Peter Dizon.
“For Hashtags and GirlTrends, they are still everyday on Showtime. Sila ang mga hosts sa Showtime online. For their production number, talagang pinaghahandaan ngayon,” paliwanag ni Sir Peter.
Nagsimulang kumalat ang isyu sa “pagdalang” ng appearance on TV ng Hashtags after ng grand finals ng nakaraang Miss Q and A na segment sa Showtime.
Diumano, nagalit si Vice Ganda dahil ‘di available ang ilang Hashtags members para sa big production for the opening ng show na ginanap sa Araneta Coliseum, particularly ang member na si Kid. Isa si Kid sa mainstays ng Showtime na naging co-host sa Miss Q and A.
Ayon sa aming source, tinalakan daw ni Vice ang lahat ng Hashtags, pati na ang kanilang respective handlers and managers. From then on, nag-decide diumano ang management na once a week na lang sila aapir sa noontime show. Ang dami na raw kasing ganap masyado ng Hashtags kaya ‘di na napa-prioritize ang Showtime.
That’s true sa mga sikat na members ng grupo na kung ‘di busy sa teleserye, pelikula, ang dami namang out-of-town shows and special appearances. Kaya parang ‘di rin naman daw affected ang ilang members ng grupo na busy sa kanilang career.
But what about daw ‘yung ibang Hashtags members na wala namang masyadong ganap sa career at sa Showtime lang nakakakuha kahit paano ng everyday exposure?
Oh, well…





Comments