Para tumigil sa pambabato ralista, hinagisan ng tear gas
- Joy Repol
- Mar 31, 2019
- 1 min read
HINAGISAN ng tear gas ng pulisya ang mga nagsasagawa ng kilos-protesta na nananawagan ng pagbitiw ni Algerian President Abdel Aziz Bouteflika.
Ayon sa pulisya, napilitan silang gawin ito upang matapos ang pambabato ng mga ralista sa capital na Algiers.
Una rito, nanawagan si Lt. Gen. Ahmed Gaed Salah na magbitiw sa puwesto ang pangulo.
Gayunman, noong nakaraang linggo, inianunsiyo ni President Bouteflika na hindi na siya tatakbong muli.





Comments