For sure, relate ang mga may long distance relationship diyan.. 8 THINGS NA PUWEDENG GAWIN KAPAG MAY
- Donna Thea Topacio
- Mar 31, 2019
- 2 min read
No Problem

ANG hirap kapag may nami-miss ka, tapos, wala kang magawa kundi ang tiisin ito. ‘Yung tipong kahit anong gawin mo, eh, hindi mo siya makita dahil malayo o kaya ay walang time. Hay, buhay! Kaya naman para sa mga tropa natin diyan na nami-miss si baby, babe, babs, love at iba pa, narito ang ilang mga bagay na puwede ninyong gawin para maibsan ang inyong pagka-miss sa kanila:
1. GO OUT WITH YOUR FRIENDS. Kung makakasama mo ang iyong mga kaibigan, tiyak na kahit papaano ay mawawala ang lungkot na iyong nararamdaman.
Make sure lang na ‘yung mga kaibigan na inyong sasamahan ay mababait at hindi masamang ehemplo sa inyo. Copy?
2. EXPRESS YOURSELF AND ACCEPT UNPLEASANT FEELINGS. Kung malungkot ka, besh, oks lang ‘yan. Sabi nga nila, normal lang naman ang makaramdam ng mga ganyan dahil tao tayo, nasasaktan at nagmamahal! Wow, drama!
3. DO SOMETHING NEW FOR YOURSELF. Habang busy ang inyong mga mahal sa buhay, gumawa kayo ng mga bagay na bago lang sa inyong buhay para kapag nagkita o nakapag-usap kayo, eh, may bago kayong maikukuwento.
4. MAKE SURE YOU WILL COMMUNICATE. Siyempre, bukod sa paggawa ng mga bagay na makatutulong para mawala ang inyong pagka-miss, importante pa rin na makapag-uusap kayo ng taong nami-miss mo nang sa gayun ay hindi kayo mawalan ng gana o feelings sa isa’t isa.
Para ito sa mga may long distance relationship diyan, ha? Hi-hi-hi!
5. SLEEP. Bukod sa nakapagpapahinga kapag natutulog, sa paraang ito rin natin nakalilimutan ang mga bagay na ating pinoproblema o nararamdaman, kaya tulug-tulog din ‘pag may time!
6. WRITE IN YOUR DIARY. Magsulat kung hindi na talaga matiis ang nararamdaman, dito maaari mong ilabas ang iyong saloobin o gustong ikuwento. Oh, ‘di ba, bongga?
7. EXERCISE. Rito mo ibuhos ang lakas mo, besh! For sure, marami kang magagawa kapag walang time sa iyo ang dyowa mo, pero oks lang ‘yun para ‘pag nagkita na kayo ulit hindi ka na chubby. Naks!
8. TRY REPLACING NEGATIVE THOUGHTS WITH POSITIVE ONES. Iwasan ang pag-iisip ng mga negatibo dahil dito nagsisimula ang away, lalo na kung nahihirapan kayong magkita, araw-araw.
Oh, ayan, make sure na susundin ninyo ang mga bagay na ito nang sa gayun kahit papaano ay masolusyunan ninyo ang inyong nararamdaman.
Sa totoo lang, mahirap talaga, pero, ‘ika nga ng iba, tiis-tiis lang dahil darating din ‘yung time na magkakasama na kayo, forever! Yiiee! Gets mo?





Comments