top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Shoutout sa mga beshy natin diyan na hindi sanay mag-withdraw... TIPS PARA MAIWASAN ANG MANAKAWAN SA

Donna Thea Topacio
Mar 29, 2019
2 min read

HOLA! May sahod na, for sure, tu­wang-tuwa ang mga beshy natin diyan na halos wala ng makain dahil nagipit. Ha-ha-ha! Pero, dahil karamihan sa mga empleyado ay gumagamit na ng atm card, narito ang ilang tips para maiwasan ang maging biktima ng atm card skim­ming:

1. CHECK THE ATM MACHINE. Make sure na itsetsek ninyo ang atm machine na pagwi-withdraw-han ninyo dahil uso na ngayon ang mga device na inilalagay ng mga magnanakaw. Huwag ninyong haha­yaang mabiktima kayo ng mga modus. Tsk!

2. DON’T TALK TO STANGERS. Kung magwi-withdraw, iwasan ang paki­kipag-usap sa taong hindi ninyo kilala dahil hindi natin alam kung ano ang motibo nito sa atin. Mas okay ng maging mataray o masungit kaysa maging mabait, tapos, sasa­mantalahin din naman. ‘Yun lang!

3. BE ALERT. Maging mapagmatyag tayo sa mga taong nakasasalamuha natin, lalo na at magdadala tayo ng malaking halaga ng pera, hindi tayo puwedeng sushunga-shunga dahil malaki ang posibilidad na maging biktima tayo ng mga manloloko. Hays!

4. COVER WHEN YOU ARE TYPING YOU PIN CODE. Palagi itong ipinaaalala sa lahat, pero may­roon pa ring mga hindi sumusunod. Kaya this time, para mas safe, besh, takip-takip din, ha? Parang exam lang ‘yan, para walang ma­kakopya takpan mo ang sagot o pin code mo.

5. MAKE SURE YOU ARE NOT ALONE. Sa tuwing magwi-withdraw, mainam kung magpapasama ka sa mga mahal mo sa buhay nang sa gayun ay hindi ikaw ang mapagdiskitahan ng mga magna­nakaw. Gayunman, dapat ‘yung isasama mo, eh, lalaki para mas katakutan.

Kaya ngayong payday, mag-ingat tayo sa pagwi-withdraw para maiwasan ang anu­mang problema. Huwag nating hahayaang mabik­tima tayo ng mga taong mapagsa­mantala.

Have a happy day, mga beshy! Okie?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page