Napikon, ‘di pinahalata… BAGONG BF NI ANDI, NAPAGKAMALANG BODYGUARD
- BULGAR

- Mar 29, 2019
- 1 min read

PART ito ng isang Instagram post ni Philmar Alipayo, boyfriend ng actress na si Andi Eigenmann, last March 25, “So, a random group of people came to me and said ‘Guard ka ba ni Miss Andi?’”
Kung napikon man si Philmar sa nakakainit-ulong tanong sa kanya, ‘di niya ito ipinahalata.
He’s next post was, “I’m calling 911.”
At dagdag pa nito, “Smoke n da hell.”
Kung kilala nga namin si Andi, ‘di niya ito palalampasin. Siguradong sasagutin niya ito.
On the other hand, magandang lalaki naman si Philmar, except for the fact na darker nga lang ang skin nito. Ito ay dahil surfer nga siya.
Pero mind you, lalaking-lalaki ang dating ng bagong boyfriend ni Andi.





Comments