top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Nag-date sa Star City, pinagkaguluhan… MAINE, UMAMING AYAW MAKILALA NG FANS KAYA TODO-FACE MASK SIL

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 29, 2019
  • 1 min read

KINUMPIRMA sa amin ni Maine Mendoza sa nakaraang 50th Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Box Office Awards Night na nagpunta nga sila ni Arjo Atayde sa Star City para mag-rides.

Ayon sa Kapuso actress, random at spontaneous day out ang nangyari kung saan nu’ng una ay naka-face mask pa sila para ‘di makilala ng mga tao, pero sa kalaunan ay nakilala pa rin ang dalawa at may mga nagpakuha ng larawan sa kanila.

Visible na ang dalawa sa mga laka­ran. Sa nakaraang grand alumni home­coming ng De La Salle-St. Benilde kung saan gumradweyt si Maine ay si Arjo ang nagsilbi niyang date.

Nang tanungin namin kung masaya ba ang puso niya ngayon ay agad ka­ming sinagot ng Kapuso actress na marami ang nagpapasaya sa kanya at isa na nga rito ay ang pagkakatanghal sa kanya bilang Box Office Queen para sa pelikulang Jack Em Poy: The Pulis­Credibles.

Nagpasalamat din si Maine sa magagandang sinabi tungkol sa kanya ni Ria Atayde kung saan nabanggit ng kapatid ni Arjo na boto siya kay Maine dahil nakikita niya na well-reciprocated ang importansiya at pagmamahal na ibinibigay ng aktor.

Masaya naman ang Eat… Bulaga! host na nagkakasama sila ni Ria at nababaitan din siya rito na ilang beses na rin pala niyang naka-bonding.

Sa itinatakbo ng relasyong Arjo at Maine ay mukhang wala na talagang makakapigil sa dalawa lalo’t matapang nang hinarap ng Kapamilya actor ang pamilya ng Dubsmash Queen para siguraduhin sa mga ito na malinis ang intensiyon niya kay Maine.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page