Kilala raw niya ang aktor… HIRIT NI KYLINE: MIGO, LASING KAYA NABANGGANG 2 MMDA, TINAKBUHAN
- BULGAR

- Mar 29, 2019
- 1 min read
Nitz Miralles / BIDA

SOBRANG saya ni Kyline Alcantara dahil ang second out of the country trip niya ay sa New York. Ang first overseas trip niya ay sa Singapore at pangalawa nga itong sa New York.
Isa si Kyline sa mainstay ng Studio 7 na dadalhin sa New York, sa show nila sa Brooklyn, kaya tuwang-tuwa ito.
Nine days sila sa New York at napag-usapan na raw nila ni Direk Mark Reyes na manood ng Broadway plays.
Sigurado naman si Kyline na kung may taping siya ng Inagaw na Bituin, aayusin ang schedule niya para hindi magkaroon ng problema sa schedule ng ibang cast.
Speaking of Inagaw na Bituin, pinag-uusapan ang mga eksena nila ni Therese Malvar na gumaganap na kontrabida niya sa Afternoon Primetime series ng GMA-7.
Nagbiro si Kyline na hindi siya nasasaktan sa eksenang sabunutan nilang dalawa, baka si Therese pa raw ang masaktan dahil maliit ito.
As for her leading man na si Manolo Pedrosa, ang description sa kanya ni Kyline ay “Ang lalaking walang pores.” Sobrang kinis daw ng face nito, mas makinis pa sa face niya.
Ang favorite scene naman daw niya sa INB ay ang sa kanila ni Sunshine Dizon na gumaganap na kanyang ina, kung saan nalaman niyang ampon siya. Doon pumasok ang realization sa kanya na sa totoong buhay, kung ampon siya, matatanggap niya.
Anyway, magkasama sina Kyline at Migo Adecer sa Studio 7. Kilala raw niya itong mabait, nakainom lang daw kaya may nagawang hindi maganda.
Sa ngayon, balitang nakapagpiyansa na si Migo na kinasuhan ng reckless imprudence dahil sa nasaging dalawang naka-motor na MMDA personnel na tinakbuhan nito pagkatapos.





Comments