top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

1930, 1942, 1954, 1966, 1978, 1990, 2002 at 2014... TADHANA NG MGA KABAYO NGAYONG TAON NG MGA BABOY

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 29, 2019
2 min read

SA pagkakataong ito, ang pangunahing katangian at sadlakang kapalaran ng animal sign na Kabayo o Horse ngayong 2019 ang ating tatalakayin.

Tandaang, ikaw ay mapabibilang sa Year of the Horse kung ikaw ay isinilang noong mga taong 1930, 1942, 1954, 1966, 1978, 1990, 2002 at 2014.

Sa pag-ibig at pakikipagrelasyon upang mapanatili ang masaya at panghabambuhay na relasyon, sinasabing kailangang imantina ng Kabayo ang dati niyang ugali na pagiging matulungin at mapagbigay sa kanyang kapwa sapagkat habang siya ay nagbibigay, lalong gaganda ang kanyang kapalaran, partikular sa mga nabanggit na larangan.

Sa negosyo at kabuhayan, tuluy-tuloy na aani ang Kabayo ng mga biyaya at pagpapala ngayong Taon ng mga Baboy higit lalo sa mga unang buwan ng taon. Ang pakikiumpok at pakikilahok sa mga grupo ng tao at mga pampolitikal na gawain ay makatutulong din sa Kabayo, na madagdagan ang kanyang income at kinikita ngayong 2019.

‘Yung mga problema at suliraning hindi nasolusyunan ng Kabayo noong nakaraang taon, umasa kang masosolusyunan at maireresolba na ito ngayon nang may kalakip na gantimpala at kakaibang suwerteng hindi mo inaasahang biglang-bigla mo na lang matatanggap.

Higit namang magiging mapalad ngayong 2019 ang Ka­bayo mula sa ika-2 ng Marso hanggang sa ika-28 ng Marso, mula sa ika-2 ng Hunyo hanggang sa ika-7 ng Hulyo, mula sa ika-3 ng Hulyo hanggang sa ika-31 ng Hulyo at mula sa ika-25 ng Setyembre hanggang sa ika-29 ng Oktubre.

Samantala, kung ikaw ay Kabayo na isinilang noong mga taong 1954 at 2014, magkakaroon ka ng mga problema. Ngunit, kaagad mo itong masosolusyunan. Bibigyan ka rin ng kapangyarihan ng langit na makontrol mo ang lahat ng sitwasyon sa iyong buhay. Higit ka ring makararanas ng mas masarap, kapa­na-panabik at mainit na romansa ngayong 2019.

Kung ikaw ay Kabayo na isini­lang noong 1966, iminumungkahi sa iyo na lalong ga­­ganda ang iyong ka­palaran at mas ma­­raming suwerte ang darating sa iyong buhay basta ipagpatuloy mo lang ang iyong pagiging matulungin. Ngunit, tandaan mo ring ka­hit na tumutulong ka, kailangan mong maging maingat sa mga manloloko.

Kung ikaw ay Kabayo na isinilang noong 1978, kailangang mahusay mong masolusyunan kaaagad ang anumang lilitaw na problema upang ito ay hindi na lumaki at lumala pa. Kapag maaga mong nasosolusyunan ang mga problema, tuluy-tuloy na aangat at lalago ang iyong kabuhayan hanggang sa dumami at madoble pang lalo ang iyong pera at ari-arian at sa sandaling nakakuha ka ng malaking tagumpay at mga pagpapala, panatilihin mo ang pagpapakumbaba at iwasan ang pagmamalabis at pagmamayabang upang magtuluy-tuloy ang dating ng positibo at magagandang kapalaran ngayong 2019.

Kung ikaw ay Kabayo na isinilang noong mga taong 1930 at 1990, marami kang mga pagdedesisyong kahaharapin, kaya kailangang maging maingat at mahusay ka sa pagpapasya.

Kung ikaw ay Kabayo na isinilang noong mga taong 1942 at 2002, iwasan mong maging emosyunal sapagkat ang pagiging praktikal ang magdadala sa iyo ng napakalaking su­werte at tagumpay na hindi mo inaasahan. Ang mga negatibong pangyayari ay hindi mo dapat labis na indahin, sa halip, kahit na may sugat at nalulungkot ang iyong puso, tuluy-tuloy ka lang na mag-move on. Sa ganyang attitude, hindi mo na binabalikan pa ang mga pangit na nakaraan, mapasasaiyo ang ligaya, pag-unlad at malaking tagumpay na matagal ng inilalaan sa iyo ng langit.

(Itutuloy)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page