top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Piktyur, kumalat... ARJO, NAHULI SA LOOB NG KUWARTO NI MAINE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 28, 2019
  • 2 min read

HINDI makasagot si Arjo Atayde kapag tina­tanong about Maine Mendoza sa presscon last Tuesday ng bago niyang movie with Jessy Mendiola na Stranded. Ayaw niyang pag-usapan ang dalaga at ang movie na lang daw ang itanong.

“Sa movie na lang po muna tayo. Ayoko na pong naaano si Maine,” sey niya.

Binibiro nga siya kung “stranded” na ba ang puso niya kay Maine, sagot lang niya, “Opo, yes po.”

Pero nang tanungin kung nakalampas na ba sila sa dating status, aniya ay nandoon pa rin sila.

Eventually, eventually po,” maikli niya pang sey.

Natanong din si Arjo kung totoo bang naroroon siya sa dressing room ni Maine nang tumang­gap ang dalaga ng award sa 50th Box Office Entertainment Awards last Sunday dahil tila nakunan daw ito ng picture at matipid niyang sagot, “What you see is what you get. ‘Yun na lang po muna for now. Ayoko na po munang pag-usapan si Maine.”

Sa tuwing may itatanong pa ay sagot lang niya, “Hanggang doon na lang po muna tayo.”

Anyway, bongga talaga ang career at love life ni Arjo ngayon. Bukod sa Bagman series niya sa iWant, heto’t may bago siyang movie sa Regal Entertainment na kuwento naman ng dalawang taong na-stranded sa isang buil­ding overnight at na-discover nila ang maraming bagay sa sarili dahil dito.

Sa Stranded ay natupad na ang dream niyang makagawa ng rom-com na noon pa talaga niya gusto.

I’ve been wanting to do a rom-com, I’ve been wanting to do a love story na pelikula or serye, and finally I was given the chance by Regal. I really waited for this kasi sabi ko, if ever I’ll come out in a romantic film, gusto ko, kakaiba ‘yung kuwento, and finally, it’s coming out on April 10 and I’m very, very excited. I promise you, hindi pa ito napapanood ng mga Pilipino,” sey ni Arjo.

Ang Stranded ay mula sa direksiyon ni Ice Idanan na direktor din ng Sakaling Hindi Makarating na nanalo ng 7 awards sa Cine Filipino Independent Film Festival noong 2016, including Best Director, Best Cinematography and first runner-up for Best Picture.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page