Malinaw ayon sa palad... SINGLE-MOM NA NAKATAKDANG MAKAPUNTA NG JAPAN


KATANUNGAN
Ako ay dalagang ina, ‘yung anak ko ay babae, two years old. Sa ngayon ay may kaibigan ako sa Japan at siya ang tumutulong sa akin ngayon. Bukod sa pinansiyal na padala niya, tinutulungan din niya akong makapag-abroad, kaya ngayon ay nag-aayos na ako ng mga papeles ko.
May schedule na rin akong interview sa Japan Embassy, kaya gusto kong malaman kung matutuloy kaya ang pagdya-Japan ko?
Sa pag-ibig naman, sa palagay ninyo sa edad kong 33 ngayon, makatatagpo kaya ako ng panghabambuhay na makakasama o mapapangasawa kahit na may anak na ako sa pagkadalaga?
Kung makatatagpo pa ako, kailan kaya darating ang lalaking ito at sino at saan ko kaya siya makikilala?
KASAGUTAN
Siguradong makapag-a-abroad ka, hindi lang isang beses kundi maraming beses, ito ang nais sabihin ng malawak at mahabang Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na hindi matatapos ang 2019, sa sandaling ma-interview ka na sa Japan Embassy, kasunod kaagad nito ang mabunga at mabiyayang pangingibang-bansa sa tulong ng iyong kaibigang Hapon, lalo na kung siya ay isinilang sa petsang 14 o kaya ay 23, walang pagsalang compatible kayo at sa bandang huli, maaaring ang Hapon na ito na tumutulong sa iyo ang siya mo na ring mapapangasawa at makakasama sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya.
Samantala, ang magulong Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow b.) sa simula hanggang gitnang bahagi ay nagsabing, bagama’t, magulung-magulo ang love life mo, pagtuntong sa edad 32 pataas, tulad ng nasabi na, saktong 33 na ang edad mo ngayon, paganda na nang paganda ang magiging karanasan mo sa larangan ng pag-ibig at pakikipagrelasyon.
Tulad ng nasabi na dahil 33 na ang edad mo sa kasalukuyan, malamang, ngayong panahong ito mo na matatagpuan ang lalaking magpapaligaya sa iyo at makakasama mo sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya na malaki ang posibilidad na ang kaibigan mo na ngang Hapon ang nasabing lalaki.
DAPAT GAWIN
Habang, ayon sa iyong mga datos, Jen, ngayong 2019, sa edad mong 33 pataas, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran at maaaring tulad ng inaasahan, sa edad mong 33 pataas, kahit sabihin pang single-mom ka, makatatagpo ka na rin ng lalaking makakasama mo at magmamahal sa iyo, habambuhay na nagtataglay ng zodiac sign na Gemini, (Drawing A. at B. h-h arrow d. at 1-M arrow c.), kaya kung Gemini ang zodiac sign ng kaibigan mong Hapon, walang duda, siya na ang makakasama mo sa pagbuo ng maligaya at panghabambuhay na pamilya na maaaring maganap sa Japan.




Comments