top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Kapuso actor, tinakbuhan din ang mga pulis, 'di umubra… MIGO LASING, NAG-HIT AND RUN NG 2 NAKA-M

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 28, 2019
  • 2 min read

Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

INARESTO noong Martes (March 26) ang Kapuso actor at Star­Struck 6 Ultimate Male Survivor na si Migo Adecer matapos mag-hit and run sa dalawang empleyado ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na nakaronda sa Makati City.

Napag-alaman na habang nakasakay sa Subara BRZ, nabangga ng aktor sina Rogelio Formelos Castillano at Michelle Gallova Papin habang nakasakay sa kani­lang motorsiklo sa J.P. Rizal St. corner Pertirra St. sa Poblacion, Makati.

Ayon sa mga nakasaksi, hindi man lang binaba at tinulungan ng aktor ang dalawang MM­DA personnel na kan­yang nabangga at ti­nak­bu­han pa ang mga pulis.

Nadakip si Adecer sa N. Garcia St., ngu­nit tumanggi itong ibigay ang kan­yang lisensiya at nagtangka pang tuma­kas kaya na­bang­ga niya ang patrol car ng uma­aresto sa kanya.

Sa isang interview sa Unang Balita, sinabi ni Police Colonel Rogelio Simon na halatang nakainom ang aktor nang maganap ang insidente.

Aniya, “Kinakausap na­­min, wala sa sarili. Nag­si­sigaw-sigaw. Sinalu­bong namin siya. Kumba­ga, ini­pit namin ‘yung kanyang sasakyan doon sa hara­pan kaya hindi na siya maka­abante,” ang naging pahayag ni Simon.

Samantala, makikita sa video na in-upload ng Philippine Star sa kani­lang Twitter account ang pakikipag­talo ni Migo sa mga pulis habang paulit-ulit na sumisigaw ng, “This is corruption,” at “I have not done anything, I put my hands up.”

Depensa ng lawyer ni Adecer na si Atty. Marie Glen Abrahan-Garduque, hin­di umano alam ng aktor na nabang­ga niya ang dalawang MMDA personnel at hindi rin daw siya ‘aware’ na hina­­habol na siya ng mga pulis.

Ayon pa sa abogado, handang sagu­tin ni Adecer ang hospital bills ng dalawa niyang biktima.

Napag-alamang sa kaparehong araw (March 26) ay nagkaroon din ng tra­ffic violation sa Rockwell, Makati naman si Migo dahil sa reckless driving.

Hinaharap ngayon ni Adecer ang kasong reckless imprudence resulting in physical injuries and damage to property and disobedience to a person in authority.

Habang isinusulat na­min ito, wala pang balita kung nakapagpiyansa na ang Kapuso actor at naka­la­bas na sa kulu­ngan ma­ta­­pos ma­aresto ng mga pulis.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page