Hinulaan na malapit ng mag-asawa

Salaminin natin ang panaginip ni Lyn ang Malene_Mana@facebook.com
Dear Professor,
Ang sabi ng manghuhula, malapit na raw akong mag-asawa, tapos, nandu’n si mama nakikinig lang siya.
Ano ang ibig sabihin nito?
Naghihintay,
Lyn
Sa iyo Lyn,
Masasalamin sa panaginip mo na gusto mo ng mag-asawa, pero wala ka pang boyfriend o karelasyon ngayon.
Ito ang katotohanang inilalantad ng iyong panaginip kaya kailangan mo ring malaman ang ilang katotohanan na may kaugnayan sa pag-aasawa.
Kapag ang pag-aasawa ay dahil lang sa gusto mong takasan ang hirap ng buhay, ang marriage ay maaaring hindi magtagal.
Kapag ang dahilan ng pag-aasawa ay dahil lang nauubusan na ng panahon o nagkakaedad na, hindi magtatagal at ang marriage life ay hindi rin magiging maganda.
Kapag ang pag-aasawa ay dikta lang ng mga magulang, pagtataksil ang ibinabalita sa hinaharap.
Dahil ang pag-aasawa ay dapat tungkol sa pagmamahalan ng dalawang magsasama. Kung walang love sa pag-aasawa, huwag na lang.
Kaya ang payo ay nagsasabing, kung may mahal ka, subukan mong maging kayo at kapag siya ay may pagtingin din sa iyo, makatitiyak ka na ikaw ay liligaya.
Muli, ang marriage na walang love ay walang patutunguhang maganda, masisira lang ang buhay at hindi rin magiging maganda ang mabubuong pamilya.
Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo





Comments