Edukasyon ni: John Rey S. Reonico

Kapag ang puso’y tunay na umiibig
sa kanyang pinanggalingan at kinapitang bisig.
Kailanma’y ang karunungan hindi mayayanig,
hindi maaagaw, bagkus, mamumutawi sa bibig.
Sapagkat sinong mag-aakala,
na ang noo’y munting bata,
ngayo’y mistulang makata,
nakasusulat ng akda at tinitingalang kusa.
Ang paghubog sa tao
ay tulad lamang sa putik.
Ang karununga’y hindi ginto,
ngunit, isang titik.
Datapwa’t ang edukadong tao’y matayog lumipad,
ang mga paang iningatan sa lupa’y nakasayad.
Sa inyo’y utang ang malugod na pagtanggap.
Ang titik, ang letrang nagbibigay lunas sa sakit ng utak.
Kamangmangang nalalanghap
tinuruang lubos, inalis sa paghihirap.
Ang punlang itinarak sa aming kaisipan
ay higit sa anumang bagay na maaring matagpuan.
Kaibigan, pamilya, kauri, kabagay,
at isang tagumpay!
Magandang araw, mga bes! ‘Wag nang magpahuli sa trend at i-share na ang inyong #Hugot at i-confess mo na, bes ang matagal mo nang gustong aminin sa bagong column ng BULGAR na WHAT’S IN, KA-BULGAR? Ito na ang perfect timing para ma-publish ang laman ng inyong damdamin kaya mag-send na ng personal message sa aming official Facebook page – www.facebook.com/BULGAR.OFFICIAL. Hihintayin namin ang PM n’yo, mga bes, hindi ‘yung puro kayo na lang ang naghihintay sa wala. Char!





Comments