3 Abu Sayyaf tepok sa ARMY
SULU—Tatlong miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) ang napatay sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng mga bandido at tropa ng pamahalaan, kamakalawa sa Simisa Island, Banguingui sa lalawigang ito.
Sa kasalukuyan ay kinikilala pa ng mga awtoridad ang mga napatay na miyembro ng ASG.
Ayon sa ulat, nagpapatrulya ang mga sundalo ng Philippine Army (PA) nang makasalubong ang mga bandido at dito naganap ang engkuwentro na nagresulta para mapatay ang tatlong miyembro ng ASG.
Tinutugis na ngayon ng tropa ng pamahalaan ang iba pang miyembro ng ASG na tumakas matapos mapatay ang tatlo nilang kasamahang bandido.





Comments