Pagsulong ng brexit kontrolado ng mambabatas sa UK
NAKUHA ng members of Parliament sa United Kingdom ang kontrol para sa bagong Brexit process.
Nagsagawa ng cross-party amendment na nagresulta sa 329 kontra 302.
Dahil dito, magkakasunod na botohan ang isasagawa ng mga mambabatas para sa iba’t ibang alternatibo ng Brexit.
Maaaring bumoto ng pitong klase ng options ang mga mambabatas, kabilang ang second referendum, no-deal sa E.U., Norway-style deal sa E.U. na maaaring magbigay ng full access Free Trade area.
Isasagawa ngayong araw ang indicative voting.





Comments