top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Nagkamali sa flight plan | EROPLANO, MALI NG PINAG-LANDINGAN

Jersey Sanchez
Mar 27, 2019
1 min read

NAPADPAD sa ibang lugar ang eroplano ng British Airways na ikinagulat ng mga pasahero.

Batay sa impormasyon, lumapag ang eroplano sa Edinburgh City, Scotland sa halip na sa Germany kung saan ang itinuturo ng mga piloto ang maling flight plan na dahilan ng pagkakamali sa pag-landing.

Ayon sa mga piloto at cabin crew, inakala nilang patungo sa Edinburgh ang naturang flight.

Gayunman, matapos malaman na maling lugar ang kanilang nilapagan, nag-refuel ito saka muling nagtake-off patungong Dusseldorf.

Nagdulot ito ng tatlong oras na abala sa mga pasahero kaya agad humingi ng paumanhin ang British Airways sa pangyayari.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page