top of page
Pokwang.jpg

Kahit bracelet, hikaw o kuwintas pa ‘yan, tsong! LALAKING PINAPAYUHANG MAGSUOT NG MGA ALAHAS UPANG M

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 27, 2019
2 min read

Dear Maestro,

Naisipan kong kumon­sulta sa inyo dahil nais ko ring magabayan ninyo ako tungkol sa aking kapala­ran, lalo na ang aking ma­susuwerteng kulay, araw at petsa.

Dalawa ang ginagamit kong birthday sa kasalu­kuyan. September 4, 1986 at December 14, 1986.

Alin sa dalawang birth­day kong ito ang dapat kong gamitin para suwer­tehin ako?

Umaasa,

Greg ng San Nicolas, Bay, Laguna

Dear Greg,

Kung September 4, 1986 ang gagamitin mong birthday, lumalabas na ikaw ay Virgo na may birth date na 4 at may destiny number na 1 (9+4+1986=1999/ 19+99=118/ 11+8=19/ 1+ 9=10/ 1+0=1).

Samantala, kung De­cem­ber 14, 1986 naman ang gagamitin mong birthday lumalabas na ikaw ay may zodiac sign na Sagittarius sa birth date na 5 dahil ang 14 ay 1+4=5) at sa destiny number ay nagkataong 5 rin (12+14+1986=2012/ 20+12=32/ 3+2=5).

Kaya kung sinasabi mong dalawa ang birth date mo, masasabing sadyang napakagandang gamitin ang birthday na December 14, 1986 dahil bukod sa ikaw ay may birth date na 5 o 14, ikaw din ay may destiny number na 5 na ang ibig sabihin ay magiging madali sa iyo ang kumita at mag­karoon ng pera hanggang sa bandang huli dahil sa pag­nenegosyo o kaya ay pangi­ngibang-bansa at puwede ring dahil sa pag-aasawa o sa panahong ikaw ay may asawa na, itatala ang ubod-yaman na karanasan na mangyayari sa itatayo mong pamilya, habambuhay.

Dagdag pa rito, sa san­daling ginamit mo na ang birthday na December 14, 1986, para malubos ang su­werte at magandang kapa­laran, palagi kang gumamit ng kulay pula, asul, gray, ku­lay ng mga metal at alahas na silver.

Bukod sa nasabing mga kulay, dapat ka ring magsuot ng silver na alahas na may mataas na kalidad. Kapag nakasuot ka ng silver na ku­wintas, singsing, bracelet at hikaw, mas madali mong ma­hihigop at masasagap ang malaking suwerte at mas marami pang magagan­dang kapalaran ang tuluy-tuloy na darating sa iyo.

Kusa namang iigting ang mabuting kapalaran mula sa ika-21 ng Marso hanggang sa ika-27 ng Abril, mula sa ika-21 ng Hulyo hang­gang sa ika-27 ng Agosto, gayundin mula sa ika-21 ng Nobyembre hang­gang sa ika-27 ng Disyem­bre, higit lalo sa mga araw ng Martes, Miyerkules, Hu­webes at Biyernes.

At sa sandaling ginamit mo na ang birthday na De­cember 14, 1986 at palagi kang nagmamadali sa iyong pagkilos at pagpapasya, ti­yak ang magaganap, sa tak­dang panahong inilaan ng kapalaran, uunlad at yaya­man ka na maaaring ma­ganap sa taong 2035, sa edad mong 49 pataas.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page