top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Alamin mula kay Señor... KAALAMAN TUNGKOL SA PAGGAWA NG SUNBLOCK

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 27, 2019
2 min read

Bigyang-daan natin ngayon ang email ni Miss Gemini ng Luisa_Gemini _Girl@facebook.com

Dear Señor,

Matagal na akong su­mu­subaybay sa kolum ninyo.

May outing kami ng mga katrabaho ko at lahat sila ay kasama, ayaw ko namang maging killjoy kung hindi ako sasa­ma. Sa totoo lang, masa­ma sa balat ko ang sikat ng araw dahil nasunog ang balat ko noong ma­ligo kami sa dagat, tapos, allergic pa ako sa sun­block. June 5, 1998 ang birthday ko.

Maraming salamat!

Naghihintay,

Miss Gemini

Sa iyo Miss Gemini,

Ngayong tag-init, ang pagkasunog ng balat sa araw ay nararanasan ng maraming tao. Kaya palaging ipinaa­alala na gumamit ng sun­block o sunscreen para hindi ma-sunburn. Kaya lang may ta­ong allergic sa mga che­mical, lalo na ‘yung mga ipi­napahid sa katawan. ‘Yung tipong maamoy lang nila ang chemical ay magkakaroon na kaagad ng allegic reaction ang kanilang katawan.

Kung hindi naman gaga­mit ng sunblock, grabe ang mararanasan nila dahil ma­aaring masunog ang kanilang balat.

Kung namamasukan, maaaring hindi siya puma­sok dahil sobrang pangit ng kanyang balat. Hindi naman ito kaagad nawawala, kum­baga, aabot pa ng ilang araw bago bumalik ang orihinal na balat.

Subukan mo, iha, ang sinaunang Karunungang Lihim na nasa ibaba tungkol sa paggawa ng natural sun­block:

  1. Coconut oil

  2. Aloe Vera juice

  3. Avocado juice

  4. Carrot juice

Paghahaluin mo ang mga ito, haluin mo nang haluin hanggang sa maging iisa. Pag­katapos, patakan mo ng pa­borito mong pabango. Kung hindi ka gumagamit ng pa­bango o lotion, ihalo mo ang dahon ng rosemary. Magu­gulat ka dahil ang pinaghalu-halong sangkap ay mabango.

Alam mo, iha, maaaring hindi ka maniwala, pero ito rin ay mabisang panlaban sa mga negatibong puwersa sa paligid at mabisa ring pa­ngontra sa tinatawag na “the evil eye”. Ang evil eye ay tag­lay ng mga mangku­kulam o ng mga taong may masamang hangarin sa ka­nilang kapwa. Ang evil eye ay mula rin sa mga taong malakas ang usog. Gayundin, sa mga gutom kaya dapat kapag sumama ka sa outing ay kakain kayo ng maraming pagkain.

Good luck and God bless!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page