Wow, 'di na ma-reach! SERYE NINA KEN AT RITA, MAPAPANOOD NA RIN SA SPAIN, PERU, ECUADOR, VENEZU
- BULGAR

- Mar 26, 2019
- 1 min read

HINDI lang sa ‘Pinas mapapanood at hahangaan ang tambalang Boyet (Ken Chan) at Aubrey (Rita Daniella) dahil ang serye nilang My Special Tatay ay mapapanood na rin sa Spain, Peru, Ecuador, Venezuela at Costa Rica!
Naka-dubbed ito sa Espanyol (Spanish) at aliw na aliw nga sina Rita at Ken na nagsasalita sila ng Spanish para sa kanilang dialogue sa kanilang mga eksena sa MST.
Sobrang proud at flattered sina Ken at Rita na nagustuhan sa Latin America ang My Special Tatay. Kung puwede nga lang, eh, iikot sila sa Spain, Venezuela, Peru, Costa Rica at Ecuador kapag nagsimula nang ipalabas doon ang My Special Tatay.





Comments