top of page

Shoutout sa mga first timer diyan, read n‘yo ‘to! MGA PARAAN PARA MA-ENJOY ANG UNANG PAGSAKAY SA ERO

  • Donna Thea Topacio
  • Mar 26, 2019
  • 2 min read

WALA ng mas nakae-excite pa sa pagsakay sa erop­lano ngayong ba­kasyon dahil min­san lang ito mang­yari sa ating buhay. He-he-he! Kaya na­man para sa mga beshy natin diyan na first time lang ma­ka­sasakay sa erop­la­no, narito ang ilang tips para sa inyo:

1. TAKE A DEEP BREATH. For sure, ki­nakabahan ka, besh, kaya nakapag-iisip ka ng mga negatibong bagay. Hu­wag ganern! Huminga ka lang nang malalim at isi­pin mong makararating ka ng ligtas sa iyong desti­nas­yon.

2. BE PATIENT. Jusko, wala ng bago sa de­layed flights, kaya da­pat handa kayo na mag­hintay ng ilang oras para lang makalipad. Make sure na hindi kayo ma­inipin nang sa gayun ay hindi kayo ma-badtrip o mawala sa mood.

3. PREPARE YOUR LUGGAGE. Don’t forget na may dala kayong ba­gahe dahil kapag hindi ninyo ito nakuha, iyak kayo! Char! Palagi nin­yong ise-secure ang ma­hahalaga ninyong gamit nang sa gayun ay hindi kayo mamroblema kapag nasa bakasyon na kayo.

4. ARRIVE AT THE AIRPORT EARLY. Yes, mas okay ng maging early bird kahit delayed ang flight kaysa naman ma­-late dahil paniba­gong bayad na naman ‘yan! Dahil matindi ang traffic dito sa atin, make sure na marunong ta­yong mag-adjust.

5. JUST ENJOY. I-enjoy lang ninyo ang unang pagsakay ninyo sa eroplano, medyo masa­kit man ito sa tainga, tiis-tiis lang, mga repa!

6. BE EXCITED. Masaya sa feeling kapag excited ka, ‘yung tipong hindi ka makatutulog da­hil nai-imagine mo na ang mangyayari. Solid talaga!

7. BE ALERT. Hu­wag sushunga-shunga, mga besh! Kapag mukha kang walang alam sa pa­liparan, tiyak na mauuto ka ng mga taong mapag­samantala.

8. SECURE YOU TRA­VEL DOCU­MENTS. Of course, importante na kum­pleto at maayos ang mga dokumento mo para kapag kinailangan mo ito ay hindi ka matataranta o malilito.

Oh, ayan, huwag ta­yong maging negatron, ha? ‘Ika nga nila, dasal lang para sa maayos na biyahe.

Enjoy your vacation, mga beshy!

Copy?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page