top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Sakay ang 1,300 pasahero at mga crew | LUXURY CRUISE SHIP, NAGKAABERYA

Jersey Sanchez
Mar 26, 2019
1 min read

NADALA na sa pantalan sa Norway ang luxury cruise ship na nasiraan ng makina habang nasa karagatan.

Habang nasa Norwegian Sea, nagpadala ng mayday signal ang Viking Sky matapos masiraan ng makina at bayuhin ng malalakas na alon.

Gayunman, matagumpay na nailigtas ang higit 1,300 pasahero at mga crew.

Ang 479 sa mga ini-rescue ay isa-isang isinakay sa mga helicopter habang ang iba ay naiwan sa barko at ligtas na naibaba sa pantalan.

Samantala, nakatanggap ng papuri ang 163 Filipino crews mula sa mga pasahero ngViking Sky dahil sa tapang na ipinakita ng mga ito sa kabila ng takot at kaba sa kalagitnaan ng aberya.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page