top of page
TEKA NGA - MARIEL, KUMALAT NA TATAKBONG SENADOR, NILAIT NG NETIZENS_IG _marieltpadilla.jpe

Pagsamba sa imahen ni kamatayan, pinahihinto ng simbahan

Jersey Sanchez
Mar 26, 2019
1 min read

NANAWAGAN si Archbishop John Wester na itigil na ang pagpipitagan o veneration sa skeleton folk saint na kilala sa tawag na La Santa Muerte o Our Lady of Holy Death.

Ito ay dahil marami umanong nag-aakala na ang naturang imahen ay kabilang sa santo ng Simbahang-Katolika.

Ayon kay Wester, ang debosyon sa Santa Muerte ay nakatuon sa kamatayan kung saan ito ay labag sa katuruan ng Simbahan.

Dagdag pa ng arsobispo, dapat nakasentro sa Diyos ng buhay ang pananampalataya ng Kristiyano-Katoliko.

Gayunman, sikat ang La Santa Muerte sa ilang bahagi ng bansa kung saan may pagkakataon na naiuugnay ito sa drug cartels.

Kabilang sa mga mayroon ng naturang imahen ay ang mga small business owner, artist, gay activist na karamihan ay hindi Latino, gayundin na hindi miyembro ng organisadong relihiyon.

Ang imahen ay naglalarawan ng kalansay na may kasuotang itim na pang-madre at may hawak na karit na simbolo ni Kamatayan.

Bukod kay Wester, una nang binatikos nina El Paso Bishop Mark Seitz at San Angelo Bishop Michael Sis ang debosyon sa imahen.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page