Labs mo, Luis, nagparamdam na mag-oober da bakod sa Siyete… NETIZENS KAY JESSY: LUMAYAS KA NA SA DO

Nitz Miralles / BIDA

SABI ni Jessy Mendiola in an earlier interview, sanay na siyang ma-bash, kaya siguradong hindi na ito nasaktan sa natanggap na bashing dahil lang sa cryptic post niya sa Instagram na may kasamang picture ng pintuan.
“Old endings and new beginnings. About doors opening for opportunities and finding your path. #chos,” post niya.
Ang naisip ng nakabasa ng post ni Jessy, tungkol ito sa nabalitang lilipat siya sa GMA Network at iiwan ang ABS-CBN. Pero dahil wala siyang binanggit, na-bash siya.
Grabe ang ilang fans, pinapaalis na nila sa ABS-CBN si Jessy na para bang sila ang may-ari ng network at sila ang magdedesisyon.
Ni-like ni Luis Manzano ang post na ‘yun ni Jessy. Ibig kayang sabihin, walang kinalaman sa lipatan issue ang post niya?





Comments