top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Ex-councilor tepok sa mga armado

  • Pabs Hernandez III
  • Mar 26, 2019
  • 1 min read

MAGUINDANAO—Isang dating konsehal ang napatay at sugatan naman ang asawa nito nang barilin sila ng mga hindi kilalang armadong salarin, kamakalawa sa Bgy. Taviran, Datu Odin Sinsuat sa lalawigang ito.

Nakilala ang nasawi na si Ambel Guimadel, samantalang, ang sugatan ay ang misis nitong si Saida, kapwa residente ng Talitay sa naturang lalawigan.

Ayon sa ulat, nakasakay sa motorsiklo ang mag-asawang Guimadel nang pagbabarilin sila ng mga suspek na nakasakay sa pick-up.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya para mabatid ang motibo ng mga suspek sa pamamaril sa mag-asawang biktima.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page