top of page

Puwede raw itong ipanggamot sa balat, besh! MGA BENEPISYO NG LABANOS, ALAMIN!

  • Donna Thea Topacio
  • Mar 25, 2019
  • 2 min read

MADALAS nating kinakanta sa Bahay- Kubo ang labanos, pero alam ba natin kung ano ang mga benepisyo nito? Kaya naman para hindi tayo magmukhang ewan, narito ang 8 benefits ng pagkain ng labanos o radish:

1. ITS GOOD FOR THE LIVER AND STOMACH. Kung may iniinda kayong sakit sa tiyan, bukod sa pag-inom ng gamot para rito pati na rin ang tsaa. Keri rin umanong alisin ng labanos ang humihilab nating tiyan dahil naaalis nito ang mga bakterya na ating na-consume.

2. CAN DECREASE PILES. Dahil mayroon itong fiber, kaya nitong pakalmahin ang ating digestive system.

3. CAN IMPROVE THE URINARY SYSTEM. Ito ay diuretic natural kung saan nai-increase nito ang manufacture ng ating urine kaya maiiwasan ang irritation at red-hot sensation.

4. RADISH BOOSTS WEIGHT LOSS. Isa ang labanos sa mga gulay na nagtataglay ng maraming tubig, kaya naman good ito sa atin nang sa gayun ay matunaw ang mga kinakain natin, araw-araw.

5. LOWERS OXIDATIVE STRESS. Ito ay dahil sa anthocyanins na nagbibigay ng kulay sa labanos na nakapagtatanggal ng stress at anxiety.

6. LOWER INSTANCES OF CANCEROUS CELLS. Ang labanos ay may kakayahang pagandahin ang pathways ng cells kung saan ang mga cell na cancerous ay kaya nitong ihiwalay. Wow, bongga!

7. RADISHES RAISE BILE LEVELS. Ang bile ay good part ng digestion na dumedepensa sa liver at gallbladder.

8. RADISHES MAY HELP TREAT THE SKIN. Sakto ngayong tag-init, kayang-kayang pagalingin ng labanos ang iba’t ibang klase ng isyu natin sa balat sa dalawang paraan tulad ng pagkain nito o kaya ang pagpapahid.

Oh, ayan, ngayong alam na natin ang mga benepisyong kayang maibigay ng labanos sa ating kalusugan, tiyak na hindi na tayong magmumukhang ewan. Joke! He-he-he!

Eat healthy vegetables, mga beshy!

Okidoki?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page