Malinaw ayon sa birthday... BABAENG NAKATAKDANG MAKAPAGBAYAD NG MGA UTANG
- BULGAR

- Mar 25, 2019
- 2 min read
Dear Maestro,
Isinilang ako noong November 13, 1978. Madalas akong makipagsapalaran sa lotto, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nananalo.
Hihingi rin sana ako sa inyo ng masusuwerteng numero.
Kailangang-kailangan ko kasi ang malaking halaga ng salapi dahil baon ako sa utang ngayon, lalo na sa credit card at malapit na akong mademanda at iniisip ko na ring magtago at magpakalayu-layo dahil may iba pa akong mga pinagkakautangan.
Umaasa,
Wilma ng San Isidro, Galas, Quezon City
Dear Wilma,
Ayon sa birth date mong 13 o 4, (ang 4 ay 1+3=4) sa destiny number na nagkataong 4 din (11+ 13+1978=2002/ 20+02=22/ 2+22=4), ikaw ay likas na mapalad sa lahat ng mga numero na may sumatutal na 1, 4 at 7 tulad ng 1, 10, 19, 28, 37, 16, 15, 34, 43, 13, 22, 31, 40, 49 at iba pang kauri nito.
Bukod sa nasabing mga numero, suwerte ka rin sa kulay dilaw at pula. Ang dilaw ay para sa birth date at destiny number mong 4 habang ang pula naman ay para sa zodiac sign mong Scorpio na may ruling planet na Mars.
Palagi kang magsuot ng nasabing mga kulay sa tuwing makikipagsapalaran ka upang mas madali mong mahigop ang suwerte at magagandang kapalaran.
Ang pinakamapalad mo namang panahon ay mula sa ika-20 ng Hunyo hanggang sa ika-25 ng Hulyo, mula sa ika-20 ng Oktubre hanggang sa ika-25 ng Nobyembre at mula sa ika-20 ng Pebrero hanggang sa ika-25 ng Marso.
Magsisilbi namang panghatak ng suwerte at pantaboy na rin ng mga kamalasan ang batong topaz na ipalalamuti sa gintong singsing.
Bukod sa nasabing mga numero sa itaas, puwede mo ring subukan ang mga numerong 1, 18, 23, 27, 31 at 40, gayundin ang mga numerong 7, 15, 26, 28, 32 at 41.
Maaari ka ring humugot ng kumbinasyon mula sa Cabalistic of Knowledge, 182, 642, 449 at 905.
Upang makasigurado ka ng malaking panalo, maghanap ka ng lotto outlet na nakapuwesto malapit sa lumang bahay, maaaring bahay ito noong panahon ng Kastila o Amerikano.
Ang nasabing lotto outlet ang magpapatama sa iyo ng malaking halaga ngayong 2019, sa edad mong 41 pataas.




Comments