Basta raw hindi ka susuko at nakapokus ka, besh! 6 THINGS NA HINDI DAPAT MAGING HADLANG SA PAGTUPAD
- Jersey Sanchez
- Mar 25, 2019
- 2 min read

FOR sure, marami riyan, partikular sa mga millennial ang confused kung paano nila tutuparin ang kanilang career dahil sa mga bagay na itinuturing nilang ‘hadlang’ para abutin ito. Pero, mga besh, don’t worry dahil ang mga bagay na pumipigil para tuparin ang inyong mga pangarap ay dehins talaga hadlang. Kaya naman, narito ang mga bagay na hindi dapat humadlang sa pagtupad ng inyong pangarap:
1. YOUR FAMILY. Nakasanayan natin ang gumawa ng mga bagay na ikatutuwa ng ating pamilya nang sa gayun ay hindi sila ma-disappoint sa atin. Pero, dahil nasa wastong gulang na tayo, panahon na para gumawa ng mga desisyon na sa tingin natin ay tama nang hindi iniisip ang magiging reaksiyon ng pamilya natin.
2. OTHER PEOPLE’S FAILURES. Kung ikaw ay nasa field kung saan marami ang hindi nagtagumpay, siguradong makatatanggap ka ng mga babala sa posibleng mangyari. Bagama’t, hindi mawawala ang posibilidad na hindi ka magtagumpay, hindi ito rason para itigil ang bagay na gusto mong gawin. ‘Ika nga nila, hindi mo malalaman, kung hindi mo susubukan. Kaya go, go, go lang, besh!
3. YOUR OWN FAILURES. Ang mga pagkakamali mo sa nakaraan ay hindi dahilan para hindi mo ipagpatuloy na tuparin ang iyong mga pangarap. Bagkus, gawin mo itong inspirasyon upang mas maging malakas ka, gayundin upang maging positibo na darating ang araw na magiging worth it ang mga pagkakamaling nagawa mo sa nakaraan.
4. SOCIAL CONVENTION. For sure, may ilan diyan na mayroong pangarap na ikinokonsiderang hindi katanggap-tanggap sa lipunan, kaya natatakot siya na masira ang kanyang reputasyon dahil sa sinasabi ng ibang tao. ‘Ika nga nila, hindi mo kailangan ng approval o validation mula sa ibang tao para tuparin ang mga pangarap mo. Gayundin, mabuting sumama ka sa mga taong sumusuporta sa iyo.
5. YOUR PARTNER. Nakalulungkot mang isipin, pero may indibidwal na hindi bukas sa pagtupad ng career ng kanilang partner dahil may mindset sila na lalaki lamang ang dapat na nagtatrabaho. Pero, ayon sa mga eksperto, ang iyong partner ang dapat na sumuporta sa pagtupad mo sa iyong mga pangarap.
Kung ganu’n ang partner mo, it’s time para i-evaluate kung healthy ang relasyon ninyo.
6. MONEY. Ito ang problema ng karamihan, kaya tuluyan nang nawalan ng gana ang iba na magpatuloy pa.
Pero, mga besh, hindi dapat diktahan ng pera ang inyong plano sa career dahil hangga’t kaya mong suportahan ang mga pangangailangan mo, go lang! ‘Ika nga nila, mas mabuting kumita ng pera mula sa bagay na gusto mong gawin kaysa gumawa ng bagay na hindi ka komportable para lang kumita ng pera.
Oh, ayan, mga besh, ngayong alam na ninyong walang dapat humadlang sa pagtupad ng inyong mga pangarap, go lang nang go!
Matinding pagtitiyaga lang ang inyong kailangan dahil for sure, worth it naman ‘yun kapag natupad na ninyo ang inyong mga gustong marating sa buhay.
Copy?





Comments