top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

2 riders sugatan sa aksidente

Pabs Hernandez III
Mar 25, 2019
1 min read

CAPIZ—Dalawang riders ang sugatan sa naganap na banggaan ng dalawang motorsiklo, kamakalawa sa Bgy. Ilaya-Ivisan, Ivisan sa lalawigang ito.

Ang mga biktima ay nakilalang sina Claudio Paredes, residente ng Roxas City at Jomari Doce, nakatira sa bayan ng Panitan sa nasabing lalawigan.

Ayon sa ulat, kapwa mabilis ang takbo ng mga motorsiklong minamaneho nina Paredes at Doce kaya aksidenteng nagkabanggaan ang dalawang ri­ders sa naturang lugar.

Ginagamot na sa ospital ang dalawang biktima at sa kasalukuyan ay patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para mabatid sino ang may pananagutan kina Paredes at Doce sa naganap na aksidente.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page