top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Wanted na Malaysian tiklo

Pabs Hernandez III
Mar 24, 2019
1 min read

AGUSAN DEL NORTE—Isang wanted na Malaysian national ang naaresto ng mga awtoridad, kamakalawa sa bayan ng Tubay sa lalawigang ito.

Ang suspek ay nakilalang si Lee Chai, pansamantalang naninirahan sa nabanggit na bayan.

Nabatid na dinakip ng mga awtoridad si Chai sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong human trafficking sa lalawigan.

Hindi naman nanlaban si Chai nang dakpin ito ng mga awtoridad sa naturang lugar.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page