'The Sweet Shadow' tour ng IV of Spades mag-uumpisa na
- Concert
- May 5, 2019
- 1 min read

Ngayong darating na Abril, sisimulan na ng IV of Spades ang kanilang 'The Sweet Shadow' tour.
Una silang magpe-perform sa Iloilo sa ika-5 ng Abril 2019 na magsisimula ng 6:00 ng hapon. Ito ay gaganapin sa CPU Rose Memorial Auditorium.
Kasunod nito magpe-perform naman sila sa Bacolod sa ika-12 ng Abril 2019 na magsisimula ng 6:00 ng hapon. Ito ay gaganapin sa SMX Convention.
Nag-umpisa ang bandang IV of Spades noong 2014 at nitong 2018 lamang lalo silang nakilala dahil sa kanilang kantang 'Mundo.' Ngayon, patuloy silang gumagawa ng marka sa mundo ng musika sa pamamagitan ng mga bago nilang kanta.
TICKET PRICES - Iloilo
VVIP₱ 2,650.00
VIP₱ 1,590.00
GOLD₱ 1,060.00
SILVER₱ 850.00
BALCONY₱ 380.00
TICKET PRICES - Bacolod
VVIP₱ 2,650.00
VIP₱ 1,060.00
SILVER₱ 375.00
Para sa online tickets :
BACOLOD > https://smtickets.com/events/view/7682





Comments