Pusher dedbol sa buy-bust
Pabs Hernandez III
Mar 24, 2019
1 min read
NUEVA ECIJA—Isang drug pusher ang napatay nang makipagbarilan sa pulisya na nagsagawa ng buy-bust operation, kamakalawa sa Bgy. Sto, Tomas, San Jose City sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Allan Cruz, residente ng Bgy. Mayapyap, Cabanatuan City.
Ayon sa ulat, nahalata umano ni Cruz na mga pulis ang katransaksiyon nito sa bentahan ng droga kaya binaril nito ang mga awtoridad.
Kaagad namang gumanti ng putok ang pulisya kaya napatay ang suspek.





Comments