Paslit nalunod sa ilog
QUEZON—Isang 6-taong gulang na batang babae ang namatay nang malunod habang naliligo, kamakalawa sa ilog na sakop ng Bgy. Briones, San Antonio sa lalawigang ito.
Nakilala ang biktima na si Jenelyn Marcilla, nakatira sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, habang naliligo si Jenelyn, kasama ang kanyang kapatid na lalaki ay napagawi sa malalim na bahagi ng ilog ang biktima kaya ito nalunod.
Kaagad sumaklolo ang mga residente, pero nang dalhin nila sa ospital ang biktima ay idineklara itong dead-on-arrival.





Comments