top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Pahiwatig na magkakaroon ng masayang love life

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 24, 2019
1 min read

Salaminin natin ang pa­naginip ni Dolly ng Dolly_Pal­lingayan @facebook.com

Dear Professor,

Ano ang ibig sabihin nang nahulog sa ilog?

Naghihintay,

Dolly

Sa iyo Dolly,

Sa biglang tingin, ang na­hulog ay hindi kagandahang pang­yayari, pero ang totoo, hin­di lahat ng pagkahulog ay pangit na kapalaran.

Tingnan mo, ang tawag ka­pag na-in love ay fall in love. Pangit ba ang magmahal? Si­yempre hindi, ang pangit ay ang walang love life.

Ang panaginip mo ay nag­babalita na malaki ang tsansa na hindi mo maiwasang ma-fall in love.

Ang tunay sa mga panaginip ay wagas na ligaya ang kahu­lugan, kaya nagbabalita rin ang iyong panaginip na makararanas ka ng sobrang kaligayahan sa love life.

Kapag ang tubig o ilog ay napanaginipan, ang nanaginip aminin man niya o hindi ay lonely in heart.

Kumbaga, ma­lung­kot siya at ang kanyang ka­lungkutan ay dahil hindi ma­saya ang kan­yang love life.

Kapag nahulog sa ilog, ta­tangayin ng agos at ang nana­ginip ng nahulog sa ilog ay ta­tangayin ng malakas na dam­damin na magdadala sa kanya sa agos ng pag-ibig kung saan maluluha siya dahil sa sobrang kaligayahan.

Kaya maghanda ka dahil da­rating na sa buhay mo ang pag­kakataong pinapangarap mo na magkaroon ng masayang love life.

Hanggang sa muli, Professor Seigusmundo del Mundo

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page