Ngayong buwan ng pagtatapos, tiyak na marami riyan ang nalilito pa sa path na kanilang tatahakin...
- Donna Thea Topacio
- Mar 24, 2019
- 1 min read

MASAYA sa feeling kapag alam mong makapagtatapos ka na ng pag-aaral, ‘yung tipong wala ng long exams, reporting at siyempre, thesis na napakahirap. Pero, ooops, umpisa pa lang ‘yan dahil mas mahirap kapag nasa real world na tayo, mga besh! Ngunit, hindi naman porke naka-graduate ka na, eh, kailangan mo ng may mapatunayan kaagad. Kaya narito ang ilang mga bagay na dapat ikonsidera ng mga graduating student:
1. ENJOY. Yes, make sure na makapag-e-enjoy kayo dahil hindi naman tayo nabuhay sa mundo para ikulong ang sarili natin sa katatrabaho. Matuto rin tayong magsaya dahil ito ang mas magpapaganda sa ating buhay bilang indibidwal.
2. BE RESPONSIBLE ABOUT YOUR ACTIONS. Dobleng pag-iingat ang kinakailangan sa mga gawain na madalas nating ginagawa dahil aminin man natin o hindi, tumatanda na tayo at kailangan na nating mag-mature.
3. CONSIDER THINGS. Ikonsidera ang mga bagay-bagay, hindi lamang ang pansariling kasiyahan kundi maging ang ikatutuwa ng iyong pamilya at mga mahal sa buhay.
4. DON’T BE PRESSURED. Hindi tayo pressure cooker para ma-pressure, lalo na at katatapos lang naman ninyong maka-graduate. Hayaan muna ninyo sina ate, kuya at nanay ang gumastos sa bahay dahil kapag pinilit ninyong magkatrabaho tiyak na pagsisisihan ninyo ito, lalo na kung hindi naman kayo nag-e-enjoy. Hmmm…
5. WAIT FOR THE RIGHT TIMING. ‘Ika nga, lahat ng tao ay may right timing, kaya dapat ay marunong tayong maghintay. Marami man tayong in-apply-an, hinay-hinay lang dahil tatawag din sa inyo ang mga ‘yan.
Oh, ayan, mga beshy, i-enjoy ninyo ang graduation day dahil finally, nakamit na ninyo ang isa sa inyong mga pangarap. He-he-he!
Goodluck, mga beshy!





Comments