Matapos tanggihan ni Angel ang role… SIGAW NI PIA: PANGARAP KONG MAGING SUPERHERO SA MARVEL MOVIE
- BULGAR

- Mar 24, 2019
- 1 min read
Anj Cabilla / PAK ANG GANAP!

GAME na game ang beauty queen-turned actress na si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na gumanap bilang si Wave, ang first Filipina heroine ng Marvel Universe matapos tanggihan ni Angel Locsin ang role at sabihing tapos na siya sa pagganap bilang isang superhero.
May isang fan kasi ng beauty queen ang nag-post ng litrato niya katabi ang Marvel superhero sa Wave at sinabing bagay na siya ang gumanap sa role.
Natuwa naman ang beauty queen-actress dahil may ilang fans ang nagpu-push sa kanya para sa role kaya ini-repost niya ito sa kanyang Instagram story at sinabing, “Why not? A girl can dream.”
Kunsabagay, may “K” naman si Pia na gumanap sa role dahil match ito sa kanyang strong personality at tindig na parang isang superhero.
Nakaganap na rin si Pia sa superhero role bilang Kweenie-Cassandra Stockings sa blockbuster Metro Manila Film Festival movie na Gandarrapiddo! The Revenger Squad, kung saan ay nakasama niya ang Unkabogable Star na si Vice Ganda.
Maugong din na pinag-uusapan ngayon na si Pia ang gaganap sa role na Valentina o ang mortal na kaaway ng Pinoy superhero na si Darna, na gagampanan naman ng aktres na si Liza Soberano.





Comments